Random Thoughts After Grad- Life
Matagal-tagal na rin since nung huli kong inupdate ang blog na ‘to. Undergrad pa ako nun. Ngayon, graduate na at pumapasok sa mga bago na namang kabanata ng buhay. Masasabi kong sobrang emosyonal ang nakaraang buwan para sa akin, lalo na siguro ang mga nakalipas na araw.
—
Graduation. Yung mismong oras na nakita kong kumpleto na ang grades ko sa CRS. Kagagaling pa lang namin yun sa dinner noong nasa Cebu kami. At nasa lobby ako nun ng hotel. Nung nakita kong kompleto na lahat, plus yung kasiguraduhan na pasok ako sa pagiging Cum Laude, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi naman ako pwedeng sumigaw dahil halos hating-gabi na yun. Syempre tinext ko kaagad yung mga magulang ko, at tumawag sila kaagad. Ang saya ng pakiramdam na kahit nasa telepono lang sila, ramdam mo e, ramdam mong ang saya-saya nila, ramdam mong proud sila sayo. Syempre, maliban sakin, para sa kanila rin naman yung pag-aaral ko nang mabuti. Sa sobrang tuwa ko, na hindi ko rin naman mailabas, naluha na lang ako. OA man, pero ganun ako e. Sa pagluha o pag-iyak ko nilalabas yung emosyon ko kung ayaw kong makasagabal ng ibang tao. Wala akong pakialam kung anong sabihin ng iba, basta masaya ako, masaya ang pamilya ko, at masaya ang mga kaibigan ko para sa akin.
—
Separation. Normal naman sa mga graduation na magkakahiwa-hiwalay kayo ng mga kasama mo na mga kaibigan mo rin naman. At dahil, ika nga nila, clingy ako, madali akong malungkot sa mga ganyang bagay. Yung tipong makakarinig ka lang ng kanta, tas maaalala mo sila. Makikita mo ang milk tea at kfc, maaalala mo sila. Ang hirap e. Lalo na sa lagay ko na nasa lab pa rin ako madalas. Andun yung mga memories na ginawa niyo, yung mga biruan, mga overnight. Kahit may mga kasama akong mag-MS, marami pa rin yung matagal pa bago mo makita ulit. At kung magkakasama kaming matitira, walang araw na wala akong maaalalang tao. Yung tipong, anong reaksyon ni ganito pag narinig niya tong joke na to, anong madalas ginagawa ni ganyan pag sa isang sitwasyon. Eto ang mahirap sa’kin e. Pag-alis sa lab, darating ka sa boarding house, kung saan umalis na rin yung mga taong kasama ko halos ng limang taon. Hindi maiiwasang hindi mo sila ma-mimiss, yung mga routines nila, kahit yung pagwawala pag nagagalit, nakakaasar pero nakaka-miss. Ngayon, mag-isa lang ako sa room, kahit saan ka tumingin, may maaalala kang sitwasyon kasama yung mga roommate mo. Maganda man o hindi, pero nakakamiss. Parang mga kapatid na rin yung turingan e.
—
Regrets. Ang dami, hindi lang college, kahit mula highschool. Pero ano pang magagawa ko, wala na e. Puro “what ifs” na lang lahat. Alam mo yun, parang nagkasurge ng regrets e. Ewan, pero baka side effect dahil nakipagkwentuhan ako. At dahil kwentuhan, may feedbacks at may iba ring kwento, kaya hindi maiiwasan na tanungin ko ang sarili ko na “what if”. Masyado ko siyang iniisip, kahit ayoko ko siyang isipin, wala e, pumapasok pa rin sa isip ko. Nakakadistract sa trabaho, kasi alam mo yung pakiramdam na gusto mong maging okay, pero parang may kumukulit, parang kahit isipin o pilitin mong okay na, andun pa rin yung pakiramdam na malungkot ka. At takteng hindi ko alam kung paano ilabas yun, somehow nagwala sa lab nang lumabas yung mga kasama ko. Pero walang epekto, andun pa rin e. Nakakaasar na. Gusto kong iiyak pero wala ring lumalabas. Naglakad-lakad sa campus, pero mas naasar lang dahil sobrang init. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pa hanggang mawalan ako ng lakas nang hindi ko na maisip ang mga bagay-bagay.
—
Friends. Real Friends. Isa sila sa mga importante sakin. Kaya hindi ako mapapakali habang alam kong may kaibigan akong galit sakin. Kahapon, hindi ako nakasama sa EK. Ang malungkot pa niyan, dapat nung linggo yun, pero sabi ko graduation ko. So minove nila kahapon, para sana makasama ako. Pero hindi, dahil may deadline ako, kelangan kong magtrabaho. Umaga pa lang, kinakabahan na ako. Hindi ko pa kasi sinasabing hindi ako makakasama. Nung tanghali, sinabi ko, alam kong maintindihan sila pero sadyang paranoid ako e, baka galit sila. Hanggang gabi, walang nagtetext. Alam mo yun, mas okay pa yung magsasabi silang galit sila, or mang-iinggit sila, kasi alam kong galit sila, hindi yung walang kasiguraduhan. Nung gabi, tinawagan ko sila halos isa-isa, at kinakabahan ako, yung tipong nanginginig yung kamay ko habang hinahanap sila sa contacts ko. Ang iniisip ko, okay lang kahit murahin nila ako, since ganun naman talaga kami minsan. Mas matutuwa pa ako kung ganun, hindi ko alam kung bakit pero mas ginusto kong marinig yung mura nila. Siguro dahil batian namin yung minsan pag nagkikita-kita kami. Pero yun nga, buti naman at hindi sila galit. Kaso ngayon, may isa naman akong kaibigan na galit sa’kin. Nakakakaba kasi yung pinakaayaw ko ay yung baka magreset yung pagkakaibigan, lalo na sa mga taong nagkaroon ako ng lakas ng loob na magkwento ng buhay ko. Mahirap sakin yun e dahil hindi talaga ako palakwento ng personal kong buhay, at kung magkekwento ako ng bahagi ng buhay ko, alam kong mapagkakatiwalaan ko sila, walang bearing kung matagal ko na silang kilala o sandali lang. Hindi sa hindi ko pinagkakatiwalaan yung iba kong kaibigan, pero mas close yung tingin ko sa pagkakaibigan namin ng mga pinagkekwentuhan ko. At kung mawala sila, hindi ko alam, wala pa namang ganung nangyayari, at ayokong magkaroon ng ganung sitwasyon. Sa mga kaibigan ko pa nga lang, nahihirapan na ako pag nagkakaroon ng separation, paano pa kaya sa mga taong tinuturing kong malapit kong kaibigan aka close friends. And actually, hindi ako natatakot na magkaroon ng malayong distansya sa mga close friends ko kasi alam kong pag nagkita kami, makakapag-open pa rin ako sa kanila, at mas natatakot ako pag nagkahiwalay kami ng mga friends ko, dahil may posibilidad na pag nagkita kami ulit, strangers na kami sa isa’t-isa. Yung kinakatakot kong separation sa mga “close friends” ko ay yung tipong matatakot na ulit akong mag-open sa kanila, at sila sa akin.