CFC Kids
Grabe, ang saya ng gabi namin noong Sabado! Ikalabingwalong kaarawan kasi ng isa sa mga CFC kids na si Jeanne, at tulad ng dati, kasama sa cotillon kaming iba pang CFC kids. Sa dulo, kami ay nagsayawan (aka party-party) at napansin kong kami ang pinakamaingay na grupo. Matagal-tagal din ang sayawan hanggang nagsimula nang magpahiran ng icing ng cake. Haha, napapangiti ako tuwing naaalala ko yun. XD
Teka, teka, sinu-sino ba ang mga CFC kids? Obviously, kami ang mga anak ng mga CFC members. Kung hindi ako nagkakamali, halos magsasampung taon ko na silang kilala, at natutuwa akong nakilala ko sila. Pwede ko nang sabihing parang mga kapatid ko na rin yung mga yun. Sila ay sina Jeanne, Jekjek, Jessa, Nene, Isay, Edgar, Denok, Dale, Allen, Briana, Camille, at syempre ang Ate ko. Isasama ko na rin ang minsan-minsang sumasama samin na sina Kuya Richard, Kuya Raymond at Ate Hanna. At syempre, ang mga bago sa’min, at sana madalas pa naming makasama, na sina Andre at Anjelo.
Sana magkaroon ng part 2 ang nangyari nung Sabado. Jekjek, aabangan namin ang debut mo.
